Sunday, February 20, 2011

cR0wN cLOwn

                                                  ♠Ang Talambuhay ni KENNETH .♠


Kenneth Alcantara






Para sa makakabasa nito, ako nga pala si Kenneth Rubia  Alcantara. Ito ang aking “Talambuhay”.
                     Ako ay isinilang noong January 9, 1995, araw ng lunes, 12:15am. Ang aking mga magulang ay sina: Edwin Alcantara at Rebecca Alcantara. Ang aking nag-iisang kapatid ay si John Kevin Alcantara. Ayon sa aking magulang anim na araw pa lamang ay naputol na ang pusod ko, ngunit nang ika-9 na araw ko sa daigdig ay nabutas ito, kaya dinala ako sa ospital upang tahiin ito. Noon namang ako ay isang buwan pa lamang ay dinala ako sa Philippine General Hospital dahil daw sa nagbabara ang aking ugat sa apdo, sa awa ng diyos ay hindi na kinailangan ng operasyon upang ako ay gumaling.
                     Sabi sa akin ng aking ina, noong ako raw ay bata pa ay napaka-iyakin ko. Ayaw ko raw sumama sa ibang tao, kaya hirap na hirap siya sa pagpapalaki sa akin. Noon namang kabataan ko na alam ko na ang aking ginagawa ay napakakulit ko. Mahilig akong maglaro noon, gaya ng isang normal na bata, kaya minsan ay ikinukulong ako ng aking ina sa bahay at hindi pinapalabas. Ngunit minsan ay naisipan kong tumakas upang makapaglaro, kaya ako ay sinundan ng aking ina sa pinaglalaruan ko at hanggang sa kami ay makauwi ay umiiyak ako dahil sa pagpalo niya sa akin. Ngunit hindi ako nadala noon at naulit pa iyon,ngunit hindi na ako masyadong pinapalo at pinagsasabihan na lamang.
                     Pumasok ako ng elementarya sa Soledad Elemenary School. Dito ako nagtapos ng elementarya. Noong ako ay elementary ay wala akong alam kung hindi maglaro at mag-ingay. Hindi ko alam ang salitang pag-aaral noon, noong pumasok ang salitang iyon sa isip ko ay noong ako ay grade 5 na, dahil mataray ang aming guro. Noong grade 1 ako ay napaka-ingay kong bata. Naranasan kong mapatayo sa unahan at malagyan ng tape sa bibig, dahil sa sobrang ingay. Noon namang ako ay grade 2 at grade 3 aylumala pa, lagi akong nakikipag-away sa aking mga kaklase. Ngunit dahil bata pa ako noon pagkatapos naming mag-away, kinabukasan ay bati na ulit kami at sa susunod na araw ay magkaka-away na naman kami. Halos umiyak na ang aming guro dahil sa gulo ng aming klase. Noon namang  grade 4 ay lumala pa. Tuwing may test ay hinuhulaan ko lahat ng sagot. Ngunit hindi naman ako nanggagaya at noon ay napaiyak na namin ang aming guro. Lagi siyang sumisigaw dahil sa sobrang gulo ng aming klase. Nang ako ay maging grade 5, natuto na akong mag-aral kahit papano. Sobrang taray ng aming guro noon.  Tuwing siya ay magpapasaulo dapat ay masaulo mo iyon, dahil kapag hindi mo nasaulo ipapahiya ka niya sa klase. Ngunit nang kauna-unahang beses na nagpasaulo siya ay hindi ako nagsaulo kaya ako ang kauna-unahang estudyante na ipinahiya niya sa klase. Noon namang ako ay grade 6, marunong na akong mag-aral ngunit hindi pa rin kataasan ang aking mga grado. Noon ding ako ay grade 6 nakaramdam ako ng sobrang lungkot, January 23, namatay ang aking lola. Sobrang lungkot ko noon, dahil nang umuwi ako noon ay hindi ko pa alam ang nangyari. Nagpunta ako sa bahay nila noon at doon ko lamang nalaman ang pagkawala niya. Nang nalaman ko iyon ay tumulo ang luha ko at hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at hindi ako nakaimik. Noong una ay hindi ako makatingin sa kabaong, ngunit ng makita ko iyon ay biglang nawala ang aking lungkot dahil siya ay medyo nakangiti sa kanyang itsura. Noong ang aking lola ay ililibing na, kahit ang aking pinsan na sobrang tapang ay humahagulgol sa pag-iyak.


nung lumaban ako ng Mr. and Ms. Campus Sweetheart

Nag-aaral ako ng sekondarya ngayon sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Masasabi kong napakarami kong natutunan sa paaralang ito. Noong ako ay first year, masipag na akong mag-aral. Halos nakikipag sabayan na ako sa mga magagaling sa klase. Noong first year  din ako kauna-unahang nagkaroon ng kasintahan. Sobrang bata ko pa noon kaya hindi ko pa alam noon ang ibig sabihin noon. Ang kauna-unahang kasintahan ko noon ay hindi ko pinapansin kaya naghiwalay agad kami. Noon din ay lumaban kami ng Ibong Adarna at ako ang napiling Juan, noong una ay nanalo kami ngunit ng ikalawa ay natalo kami dahil may nakalimutan akong eksena. Noon din ay hindi na ako nakikipag-away at nag-aaral na ako ng mabuti. Nang ako ay mag-second year, tumaas ang aking seksyon. Medyo napabayaan ko ang grado ko noong second year dahil medyo naadik ako sa “computer games”. Nagkaroon din ako ng girlfriend noon at nagimg seryoso na iyon. Ipinakilala niya ako noon sa mga magulang niya, ngunit naghiwalay din kami pagkaraan ng ilang buwan. Nagkaroon pa ako ng isa pang girl friend noon. Dahil sa kanya , natuto akong mag-inom. Noong kami ay third year na, kami pa rin at lagi ko siyang kasama sa pag-iinom. Dito rin, natutong mag-inom ang iba ko pang mga kaklase. Naranasan ko ng mapalaban sa “campus sweetheart” at sa awa ng Diyos ay nanalo naman ako na “Mr. Photogenic”. Pagkatapos noon ay medyo dumami ang mga nagkagusto sa akin, kaya may nagsabi na rin na malaki na daw ang aking ulo. Noong mga panahong ‘yon, medyo nakabawi na rin ako sa aking mga grado. Naging masaya ang aking third year. Ngunit may hindi ako malilimutang pangyayari noon, nang kami ay mag-open forum sa klase dahil madami ang nagsabi sa akin ng kanilang sama ng loob. Nang ako na ang nagsalita ay halos mapaiyak ako dahil sa kanilang mga sinabi sa akin. Naging masaya din ang aming “Junior Senior Prom”. Madami akong naisayaw noon, pero ang una at huli kong sayaw ay ang aking kasintahan. Nang kami ay mag-fourth year ay noon lang kami maghiwalay ng aking kasintahan sa loob ng labing-pitong buwan.
Ang Barkada.
  Ngayong fourth year ay mas pinagbuti ko pa ang aking pag-aaral, upang kapag ako ay nag-college ay walang maging problema sa aking grado. Mas napadalas din ang aming pag-iinom ngayong fourth year. Masaya ang pakikipag-inuman sa aking mga kaklase at kabarkada. Kung minsan ay inuumaga kami pag-iinom kaya sa bahay nina Patrick kami natutulog. Noong kami ay nag-cheerdance, pagkatapos kami ay nagswimming, sobrang saya noon languyan at inuman.
ang init ng tubig dito.

Nalasing ako noon kaya kahit ayaw ko pang matulog ay nakatulog na ako. Pagkatapos ng mini-olympics ay ang sakit ng mga paa ko, dahil naglaro kami noon ng soccer, ngunit masaya naman iyon dahil nang kami ay maglaban ay umuulan at ang kalaban naming ay ang 4-B. Noong aking kaarawan ay nonood kami ng mga kaklase ko ng palabas sa plaza, dumating noon ang Callalily. Noon ding araw na iyon niligawan ko si Joanna mae Atienza. Noon namang January 13, nag-prop’sman kami sa mardigra at nanonod din kami sa plaza noon, pero noong  medyo gabi na ay nag-inom na lamang kami. Noon ding fiesta na ay nag-inuman ulit kami sa bahay nina Patrick. Naging masaya din ang aming ‘’Junior Senior Prom’’ ngayong fourth year.
Ang  js ng 4-C
Noong una sa tingin ng lahat ng estudyante ay hindi magiging maganda ito dahil ang theme ng JS ay Hawaiian, ngunit nagging mas masaya pa ito sa ordinaryong JS. Ang first dance ko noon ay si Joanna, siya rin ang aking last dance, halos labinlimang kanta ko siya isinayaw, kaya kinabukasan sabi niya sa akin ay masakit ang kanyang paa. Noong “Valentine’s day” ay kauna-unahang beses na nagbigay ako ng bulaklak sa isang babae, si Joanna, at noong ‘’Valentine’s Day’’ ay naging kami ni Joanna. Ngayon ay naghahanap na ako ng papasukan sa kolehiyo, at mas pinagbubuti ko pa ang pag-aaral ngayon upang mkuha ko ang nais kong kurso.
Ito ang aking talambuhay.


No comments:

Post a Comment