Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni Jovelyn I. Bacani


ang una kong kaarawan
                        Noong ika-25 ng Hulyo taong 1993, ikinasal si Juanita at Danilo Bacani. Noong una pinagpasyahan nila na tumira sa Pangasinan,ngunit dahil sa dayalekto ninais ni Juanita na tumira dito sa Laguna. Nagkaroon sila ng tatlong anak ang panganay ay pinangalanang Jovelyn.Isinilang siya noong ika-22 ng Hulyo taong 1994 Matapos ang tatlong taon, nasundan ito ng batang lalaki na nagngangalang Justine King. Isinilang siya noong ika-30 ng Disyembre taong 1997 Makaraan ang tatlong taon sinundan naman ito ng batang babae.Ipinanganak siya noong ika-14 ng Disyembre at pinangalanan siyang Danica Ann.

                      
nakain ako ng cake at may hawak na tinidor
                Noong kaarawan ko isang taon na ako ipinaghanda ako ng magulang ko. Marami ang pumunta at nasiyahan sila. Marami din ang nagbigay sa akin ng mga regalo tuwang-tuwa naman daw ako noon. Habang nakain ako ng cake, kinuhanan nila ako ng litrato habang maamos ako.


.
Ako at si Jade
                Noong kabataan ko, nakapagbakasyon ako sa Pangasinan.Hindi ako naiinip doon dahil lagi kong kalaro si Jade at Karl.Kababata ko sila parehas.Lagi kami nagpupunta sa lolo namin at binibigyan kami ng makakain.Lagi pa niyang kaming kasama sa pag punta sa bodega para mag imbak nang bigas.Pinasasakay din kami sa baka, umiyak ako noong pinasakay ako sa baka kasi parang matutumba ako tapos hindi ko pa alam kung paano bumaba doon.Nagtawanan nga sila noon at sinabi pa sa akin ng lolo ko "nitan laba labay to unsakay" ang ibig sabihin nito ay "Iyan kasi gustong-gusto sumakay".Simula noon hindi na ako nalapit sa baka sa kalabaw na lang at kambing.


nasa sulok ako ng kubo
                Naalala ko dati pinasakay ako ni lolo doon sa araro habang nag-aararo ang sinasakyan niya na kalabaw.Lagi nga akong natutumba kasi may batong nadadali yung pang-araro.Minsan naman sinasamahan ko ang tiyo ko na magpastol ng kambing.Napagalitan pa nga ako nung nasuwag ako ng kambing sa hita. Sinabi sakin na huwag ko daw galitin ung mga kambing.Wala naman akong ginagwa doon sa kambing kaya pagka talikod ng tiyo ko sinabunutan ko ung kambing pero hindi sa buhok sa sungay ako nakahawak. Araw-araw kaming nag papakain ng manok tuwing madaling araw, inuunahan ko sila sa pag gising upang matawag ko ang mga manok at pakainin ang mga ito.Sa hapon naman nakikipag-agawan ako sa dalawa kong pinsan na mag pakainpakain ng manok.Kami ng mga pinsan ko ay tuwang-tuwa habang nararanasan namin ang mga ganun na pangyayari. lalo na noong nagpagilong-gilong kami sa kanang bahagi ng tinatawag nila na "kulos" ng isda sa kaliwang bahaggi naman ay palakang-tubigan.Kahit napapagalitan na kami tuloy-tuloy pa din kami.natakas kami kapag minsan,tuwing tanghali kami nanghuhuli.


                Ang bahay ng lolo at lola ko ay malapitsa sementeryo,kontina lakad mo na nandiya na ang sementeryo.Ngunit hindi kami natatakot dahil wala namang nag-paparamdam na kung anu-ano man. lagi pa nga ako natutulog sa ilalim ng puno ng mangga na malapit sa sementeryo na ako lang mag-isa pero dun na kami nakikituloy kapag bakasyon sa bahay ng tiyahin ko madami nga dun kababalaghan.Noong tinatawag ako ng mama ko upang kumain ng hapunan may nakita akong taong nakatayo malapit sa may pinto nung malaking bahay. unti-unting nilapitan ko ito, hahawakan ko na sana ngunit nakinig ko ang sigaw ni mama kaya dali-dali akong tumakbo sa baha at kumain.Habang nagsisipilyo kami ng dalawa kong pinsan naikwento ko sa kanila yung pang yayaring iyon-sabi nila sa akin talagang may ganun daw lagi dun sa malaking bahay na iyon. natakot nga ako sa sinabi nilakaya hindi na ako nagpapasama kapag ako ay lalabas ng bahay naikwento din nila sa akin na may manananggal daw na nagpunta doon. lagi daw itong nasa puno ng mabolo tuwing gabi at kinakain daw niyayung nalalaglag na prutas ng mabolo.Ikinuwento din nila sa akin na may tikbalang daw na pagalagala doon,ngunit umalis din daw ito sa barangay nila.Dati habang namamasyal kami sa kulos may nakita kaming bagong-anak na paniki,tatlo iyon napagisipan namin na pagtigi-tigisahan ito.Nagalit sa amin si mama at tiya ko.Sinabi nila sa amin na ibalik namin ito kung saan namin nakuha,ngunit ayaw namin ibinalik ito kung saan namin sila nakuha.

                     Tuwing magbabakasyon ako doon,laging nagkakaroon ako ng kakaibang karanasan ngunit sa tuwing natatapos ang bakasyon,nalulungkot ako dahil magkakahiwa-hiwalay kaming magpipinsa.Kahit malungkot kailangan dahil kailangan naming mag-aral.

                Ngunit kahit ganun, aktibo kami ng dalawa kong pinsan sa pag-aaral. pataasan pa nga kaming tatlo ng grades.Laging nasa huling pwesto si karl,kaya niloloko namen ne Jade si  Karl na mag-aaral pa nang mabuti.Parehas kami ni Jade na nagkakaroon ng medalya kada taon.Simula kinder hanggang grade 6 noong tumungtong ako sa sekundarya naging aktibo ako nung 1st at 2nd year, naging champion ako sa Spelling Bee, ngunit hindi ko nakuha ang sertipiko dahil wala ako nung oraas na iyon tuwing kukuhanin ko sa library nagkakataon namang sarado ito hanggang sa hindi ko na nakuha.Noong tumungtong ako ng 3rd year ipinanglaban ulit ako sa Spelling Bee ngunit sa di-magandang pagkakataon natalo kami pero umabot naman ako sa huling round ng semi-finals.Kahit man nagkaganoon binigyan kami ng dagdag na marka sa card.

                Habang nasa 3rd year ako, naenganyo ako na sumali sa "Citizenship Advancement Training o mas kilala sa tawag na C.A.T. bilang isang volunteer.Hindi madali ang pagiging volunteer dahil madaming ipinagbabawal sa amin.Marami ang nag-quit dahil siguro sa hirap.Kahit ganoon naging masaya naman ang pagiging volunteer ko sumalo pa nga ako sa " Summer Training".Marami akong pinag bago simula ng sumali ako dito lalo na ugali at kilos ko. Sinasanay dito ang katatagan ng emosyon, isipan at katawan.Hanggang sa tuluyan na naging opisyales,umiyak ang ilan dahil hindi nila nakamit ang gusto nila.Ngunit kung hindi sila maari doon marahil sa ibang bagay sila babagay.Hanggang sa nagkaroon na kami ng volunteer lalong gumulo pero lalo ding sumaya.At ngayon na kami na ay aalis dito,ibibigay na namin sa kanila ang responsibilidad at obligasyon na dati ay nasa amin.
 
                Minsan sumasagi sa isip ko kung ano ang naghihintay at mangyayari sa akin sa pag kokolehiyo ko. Kahit ganoon man haharapin ko ito ng buong tapang.

No comments:

Post a Comment