Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Geelein Vibandor Fule

Geelein Vibandor Fule



            Makulit,maingay,madaldal,palabiro,pikon,moody at pasaway.Yan ako,si Geelein Fule,yan ang ilan sa mga katangian ko na makikita mo sa akin.Ako ay 16 na taong gulang.Ipinanganak noong Enero 26,1995.Kasalukuyang nasa ika-apat na antas ng hayskul.Nakatira sa #098 Brgy.II-A Triangulo San Pablo City.Sina Elene at Obed Fule ang aking mga magulang.Lima kaming magkakapatid.Si Gail ang panganay.Ako ang pangalawa.Si Gien ang pangatlo.Si Guen ang pang-apat.At si Genel ang bunso.
             Tricycle driver ang tatay ko,simula pa lang noong bata ako.Buy and sell ang trabaho ng nanay ko.Nung maliit pa lang ako,sa Brgy.II-A na kami tumira kasama ang lola ko.Pero lumipat din kami sa Wawa.Nanhg dahil sa kahinaan ng kita noon ni papa sa pagtatricycle,at dahil nagbaboundry pa siya,naghanap siya ng iba pang pagkakakitaan.Nagtrabaho siya sa isang factory bilang isang ahente.Malaki naman ang kanyang suweldo kaya natutustusan namin ang aming pangangailangan.Tumigil naman si mommy sa pag-eerya dahil sa walang kinikita.kaya sa bahay na lang kami at inaalagaan niya.At sa hindi inaasahang pangyayari,nagsara ang factoring pinagtatrabahuhan ni papa at nawalan siya ng trabaho.Dumanas kami noon ng sobrang kahirapan,kaya napagpasyahan ni papa at mommy na bumalik na ulit sa bahay ni lola.
              Limang taong gulang ako nang lumipat sina sa bahay ng lola ko sa Triangulo.Samantalang ako ay naiwan sa ninang ko para mag-aral ng kinder.Si Evelyn Agupe ang ninang ko.Kaibagan at kapit-bahay namin siya sa Wawa.Sa pangangalaga niya ako naiwan.Siya ang yumayo kung pangalawa komg ina.At sa araw-araw na ginawa nang Diyos,si ninang Evelyn ang nag-aalaga,nagaasikasoat nakakasama ko sa oras-oras at sa araw-araw.Kahit sa date ng boyfriend niya kasama ako.Sa pamamasyal,at kahit saan man sila magpunta,Ayaw kasi niyang mawawla ako sa paningin niya.Si ninang pansamantala ang pumuno ng lahat ng pagkukulang nina mommy habang wala sila.Si lola Eva at lolo Ely ang tumayo kong lola at lolo at pang-apat kong magulang.Sila ang nakakasama ko sa pagsisimba.Natatandaan ko pa noon na kapag sinusubo ko ang daliri ko,dahil sa pag-u-ut-ot,nilalagyan niya ng sili ang daliri ko para  hindi ko isubo.Effective naman.Si lolo Ely ang naghahatid at sumusundo sa akin sa iskul minsan kapag wala siyang masyadong ginagawa.Sila din ang nagturo sa akin na magmano sa nakatatanda.Lagi din akong napapagalitan ng titser ko dahil sa pagsulat ng pangalan koNalilito kasi siya sa spelling ng pangalan ko.Hindi ko makakalimutan si King Edward Hoddie Prinsipe,ang childhood bestfriend ko.Siya din ang first love ko.
               Hindi ko na natapos ang kinder ko dahil kinuha na ako ni mommy para dun na din tumira sa Triangulo,sa bahay ni lola.Nung grade 1 ako,wala paring permanenteng trabaho si papa.Sa Del Remedio kami nag-aaral ni kuya.Grade1 ako,grade2 si kuya.Nag e-extra extra lang si papa sa pagtatricycle para kahit papaano may panggastoa kami.Naranasan nga naming sumakay ng jeep ng walang bayad.At pumasok ng walang baon.Paligtang-ligtang din ang pagpasok namin noon ni kuya.Siguro sa loob ng isang linggo 2-3 beses lang kami nakakapasok.Kapag tanghalian na,pumupunta kami kay mama Lourdes(kapatid ni mommy)para doon makikain.Tapos nilalakad na ulit namin ni kuya pabalik ng skul.At tuwing hapon,nadadatnan ako ni papang imiiyak sa labas ng iskul dahil ang niya akong sunduin.
                Nagtransfer na kami ni kuya sa Bagong Bayan Elementary School,para malapit sa bahay namin.May trabaho na din noon si papa.Section C ako,mababa daw kasi ang grades ko.Pero pasa ako saexam para sa section A.Sa pagtitiyaga ko sa pag-aaral,2nd honorable mention ako nung grade 2.Section B ako nung grade 3.Ako ang class president noon,at ako din ang top one sa klase.Dun ko nakilala ang bestfrind kong si Catherine Buera Dionglay.Siya ang bestfriend na makulit,mabait,maganda,maaalalahanin,tahimik at masarap kasama.Wala akong masasabi sa ugali nun,Nagkakasundo din kami sa maraming bagay.Nung grade 4 ako section A na ako.9th honorable mention ako.Hanggang grade 6,A pa rin ako.Naranasan din naming sumali sa Division First Aid Competition.Araw-araw ang praktis at araw-araw ding pagod.Ako din ang naging Rescue Breathing at CPR sa batch namin.Sa oras ng laban,syempre nakakakaba.pero lahat ng pagod at sakrip[isyo nawala ng i-announce na kami ang champion.At ang pinaka masaya at malungkot sa pagiging elementary student,ang graduation.Masaya kasi gagraduatena,malungkot kasi magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaibagan.Excited din kasi after graduation bago na namang adventure sa guhay ko.
                  Freshmen!first day of being a first year student.kabado at excited.Kabado kasi new terror teachers na naman ang makikilala.Excited.kasi new faces to see and to be met.



Best Friend ko . Gladys Reynaldo


Dun ko nakilala sa Gladys Magbanua Reynaldo.Ang bestfriend kong super kulit,masayahin.thoughtful.caring.Ang super bait na apo,kapatid,bestfriend and classmate.Kumbaga a perfect girl for me.Dami naming trials and problems na pinagdaan bilang mag bestfriend.Pero lahat yun nalampasan namin.Ganun ka strong ang friendship namin.
                  Sophomore!ito yung isa sa mga memorable na nangyari sa aming magbebestfriend.Muntik na kasi kaming ma-guidance dahil sa isang cellphone.Nagsiningaling kami sa teacher para hindi ma-guidance at para matulungan namin ang aming kaibagan.Buti na lang at tinulungan kami ng mama at lola ni Kim Carlo.Ayun natapos ding ang gulong pinasukan namin.
                Third year!excited lahat sa JS Prom.Si Paulo Concepcion ang first dance ko.At abg Bhabybhest ang last dance ko.That night was so memorable.
     Card giving day! I expected that I would still be in section B,at makakasama ko pa rin ang mga kaibigan ko.But my too much expectations turns my world down and lost.Dahil sa kapabayaan ko sa pag-aaral bumaba ang section ko.Nung una ayaw ko sa section C,pero hindi nagtagal masaya na din ako sa
kanila.Nakilala ko dito ang Pepzterx.




Gizelle , Micah , Rinalyn , Sarah

Sina Sarah Maicah Ramos Dela Cruz,Micah Krishia Indinible Batralo,Rinalyn Castillo at si Gizelle Hernandez Brinas.Si Sarah,maganda.moody,masikreto,madaldal,masayahin at syempre matalino.Si micah,maganda pala ayos,sexy,masayahin,moody at hindi mapakali sa isang dumi lang sa damit at ang tinuturong promotor sa pagpapaganda.Si Rinalyn,super duper moody,tahimik,maganda,at pikon.Si Gizelle,iyakin,maganda,moody,ang bunso sa barkada,ay pala ayos din.
                 Dito sa section na ito ka makakakiya ng mga super gentlemen guys,super kulit,masayahin,at open na mga tao.Parang wala ka ng masasabi pa sa section ito.




 Mark Hernandez our Class President


                 Si Mark Hernandez,ang aming class president.responsible,mapagkakatiwalaan.a good advicer also,a good friend,masikreto at open na classmate.Madaming may gusto sa ugali niya.










Angelica Tayobong our class Vice President
Si Ma.Angelica Tayobong,ang class vice-president.responsible.masayahi,.maganda,at good advicer din.Sa 3 taong kaklase ko siya wala akong masasabing hindi maganda diyan maliban sa pagiging sobrang ingay.
                   Si Dave Laudimer Villanueva,siya ang bff ko.Pero hindi ko namalayan na habang matalik ko siyang kaibigan ay crush din pala niya ako.Pero masaya naman ako sa special treatment na binibigay niya sa akin bilang crush at matalik niyang kaibigan.Masaya ako kasi nakilala ko siya,masaya din ako kasi bff ko siya.Hindi ko makakalimutan ang lahat ng memories ko kasama siya kasi yun yung part na sobrang masaya ako.Hindi ko siya makakalimutan kasi nsaging bahagi siya ng makulay kong buhay highschool.Bff ko parin siya habang buhay.


4c-class picture namin :)



4C!ayan ang pamilya ko na sobrang saya,kulit,memorable.Noon,akala ko hindi ko sila lahat makakasundo,mali pala ako.Lahat sila ka close ko na at sobrang masaya ako sa kanila.Ayoko na sigurong maalis pa sa section na ito.Gusto ko palagi ko silang kasama kahit saan.At hanggang ngayon hatid sundo parin ako.
              At dito lang ako nakakita ng teacher na kahit bigyan ng sakit ng ulo ng estudyante,kahit puro kahihiyan ang ang inaabot sa amin nandiyan parin para sa amin para sumuporta at maging advicer.,at pangalawa naming ina.Siya lang din ang kilala kong advicer na nagtitiis sa aming mga estudyante niya kahit nasasaktan na siya ng sobra ng dahil sa amin.At sita lang din ang kilala kong teacher na nag-iimbita sa kanyang estudyante para sa birthday ng anak niya.Keya mahal na mahal namin si Mrs.Annalyn Dadivas.Maraming salamat po sa pagtitiyaga,pagmamahal,pagsasakripisyo at pagtuturo ng magagandang bagay.At salamat din po sa ilang buwang pagsasama.Ikaw po ang nagturo kung paano mag-appreciate ng magagandang bagay sa amin.Maraming salamat po.



ako ito :)

Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Jovelyn I. Bacani


ang una kong kaarawan
                        Noong ika-25 ng Hulyo taong 1993, ikinasal si Juanita at Danilo Bacani. Noong una pinagpasyahan nila na tumira sa Pangasinan,ngunit dahil sa dayalekto ninais ni Juanita na tumira dito sa Laguna. Nagkaroon sila ng tatlong anak ang panganay ay pinangalanang Jovelyn.Isinilang siya noong ika-22 ng Hulyo taong 1994 Matapos ang tatlong taon, nasundan ito ng batang lalaki na nagngangalang Justine King. Isinilang siya noong ika-30 ng Disyembre taong 1997 Makaraan ang tatlong taon sinundan naman ito ng batang babae.Ipinanganak siya noong ika-14 ng Disyembre at pinangalanan siyang Danica Ann.

                      
nakain ako ng cake at may hawak na tinidor
                Noong kaarawan ko isang taon na ako ipinaghanda ako ng magulang ko. Marami ang pumunta at nasiyahan sila. Marami din ang nagbigay sa akin ng mga regalo tuwang-tuwa naman daw ako noon. Habang nakain ako ng cake, kinuhanan nila ako ng litrato habang maamos ako.


.
Ako at si Jade
                Noong kabataan ko, nakapagbakasyon ako sa Pangasinan.Hindi ako naiinip doon dahil lagi kong kalaro si Jade at Karl.Kababata ko sila parehas.Lagi kami nagpupunta sa lolo namin at binibigyan kami ng makakain.Lagi pa niyang kaming kasama sa pag punta sa bodega para mag imbak nang bigas.Pinasasakay din kami sa baka, umiyak ako noong pinasakay ako sa baka kasi parang matutumba ako tapos hindi ko pa alam kung paano bumaba doon.Nagtawanan nga sila noon at sinabi pa sa akin ng lolo ko "nitan laba labay to unsakay" ang ibig sabihin nito ay "Iyan kasi gustong-gusto sumakay".Simula noon hindi na ako nalapit sa baka sa kalabaw na lang at kambing.


nasa sulok ako ng kubo
                Naalala ko dati pinasakay ako ni lolo doon sa araro habang nag-aararo ang sinasakyan niya na kalabaw.Lagi nga akong natutumba kasi may batong nadadali yung pang-araro.Minsan naman sinasamahan ko ang tiyo ko na magpastol ng kambing.Napagalitan pa nga ako nung nasuwag ako ng kambing sa hita. Sinabi sakin na huwag ko daw galitin ung mga kambing.Wala naman akong ginagwa doon sa kambing kaya pagka talikod ng tiyo ko sinabunutan ko ung kambing pero hindi sa buhok sa sungay ako nakahawak. Araw-araw kaming nag papakain ng manok tuwing madaling araw, inuunahan ko sila sa pag gising upang matawag ko ang mga manok at pakainin ang mga ito.Sa hapon naman nakikipag-agawan ako sa dalawa kong pinsan na mag pakainpakain ng manok.Kami ng mga pinsan ko ay tuwang-tuwa habang nararanasan namin ang mga ganun na pangyayari. lalo na noong nagpagilong-gilong kami sa kanang bahagi ng tinatawag nila na "kulos" ng isda sa kaliwang bahaggi naman ay palakang-tubigan.Kahit napapagalitan na kami tuloy-tuloy pa din kami.natakas kami kapag minsan,tuwing tanghali kami nanghuhuli.


                Ang bahay ng lolo at lola ko ay malapitsa sementeryo,kontina lakad mo na nandiya na ang sementeryo.Ngunit hindi kami natatakot dahil wala namang nag-paparamdam na kung anu-ano man. lagi pa nga ako natutulog sa ilalim ng puno ng mangga na malapit sa sementeryo na ako lang mag-isa pero dun na kami nakikituloy kapag bakasyon sa bahay ng tiyahin ko madami nga dun kababalaghan.Noong tinatawag ako ng mama ko upang kumain ng hapunan may nakita akong taong nakatayo malapit sa may pinto nung malaking bahay. unti-unting nilapitan ko ito, hahawakan ko na sana ngunit nakinig ko ang sigaw ni mama kaya dali-dali akong tumakbo sa baha at kumain.Habang nagsisipilyo kami ng dalawa kong pinsan naikwento ko sa kanila yung pang yayaring iyon-sabi nila sa akin talagang may ganun daw lagi dun sa malaking bahay na iyon. natakot nga ako sa sinabi nilakaya hindi na ako nagpapasama kapag ako ay lalabas ng bahay naikwento din nila sa akin na may manananggal daw na nagpunta doon. lagi daw itong nasa puno ng mabolo tuwing gabi at kinakain daw niyayung nalalaglag na prutas ng mabolo.Ikinuwento din nila sa akin na may tikbalang daw na pagalagala doon,ngunit umalis din daw ito sa barangay nila.Dati habang namamasyal kami sa kulos may nakita kaming bagong-anak na paniki,tatlo iyon napagisipan namin na pagtigi-tigisahan ito.Nagalit sa amin si mama at tiya ko.Sinabi nila sa amin na ibalik namin ito kung saan namin nakuha,ngunit ayaw namin ibinalik ito kung saan namin sila nakuha.

                     Tuwing magbabakasyon ako doon,laging nagkakaroon ako ng kakaibang karanasan ngunit sa tuwing natatapos ang bakasyon,nalulungkot ako dahil magkakahiwa-hiwalay kaming magpipinsa.Kahit malungkot kailangan dahil kailangan naming mag-aral.

                Ngunit kahit ganun, aktibo kami ng dalawa kong pinsan sa pag-aaral. pataasan pa nga kaming tatlo ng grades.Laging nasa huling pwesto si karl,kaya niloloko namen ne Jade si  Karl na mag-aaral pa nang mabuti.Parehas kami ni Jade na nagkakaroon ng medalya kada taon.Simula kinder hanggang grade 6 noong tumungtong ako sa sekundarya naging aktibo ako nung 1st at 2nd year, naging champion ako sa Spelling Bee, ngunit hindi ko nakuha ang sertipiko dahil wala ako nung oraas na iyon tuwing kukuhanin ko sa library nagkakataon namang sarado ito hanggang sa hindi ko na nakuha.Noong tumungtong ako ng 3rd year ipinanglaban ulit ako sa Spelling Bee ngunit sa di-magandang pagkakataon natalo kami pero umabot naman ako sa huling round ng semi-finals.Kahit man nagkaganoon binigyan kami ng dagdag na marka sa card.

                Habang nasa 3rd year ako, naenganyo ako na sumali sa "Citizenship Advancement Training o mas kilala sa tawag na C.A.T. bilang isang volunteer.Hindi madali ang pagiging volunteer dahil madaming ipinagbabawal sa amin.Marami ang nag-quit dahil siguro sa hirap.Kahit ganoon naging masaya naman ang pagiging volunteer ko sumalo pa nga ako sa " Summer Training".Marami akong pinag bago simula ng sumali ako dito lalo na ugali at kilos ko. Sinasanay dito ang katatagan ng emosyon, isipan at katawan.Hanggang sa tuluyan na naging opisyales,umiyak ang ilan dahil hindi nila nakamit ang gusto nila.Ngunit kung hindi sila maari doon marahil sa ibang bagay sila babagay.Hanggang sa nagkaroon na kami ng volunteer lalong gumulo pero lalo ding sumaya.At ngayon na kami na ay aalis dito,ibibigay na namin sa kanila ang responsibilidad at obligasyon na dati ay nasa amin.
 
                Minsan sumasagi sa isip ko kung ano ang naghihintay at mangyayari sa akin sa pag kokolehiyo ko. Kahit ganoon man haharapin ko ito ng buong tapang.

Sunday, February 20, 2011

♫ Ang Talambuhay ni Karla Mendoza ♫

Ako si Karla Mendoza



     Ako si Karla Mendoza ipinaganak noong Nobyembre 17,1994.Ang aking ina ay si Irma Mendoza at ang aking ama ay si Alberto Mendoza.Panganay ako sa aming tatlong magkakapatid.Isang lalaki at dalawa kaming babae.Noong bata pa ako makulit ako at kapag nagiinom ang lolo ko lagi ko daw siyang sinasaway.Nang magkaisip ako sa gulang na anim o pitong gulang nalaman kong hindi pala magkasundo ang pamilya namin.Sa paraang hindi boto o gusto nang lola at lolo ko sa aking ama para sa aking nanay,at sa tuwwing magaaway ang pamilya namin parang gusto kong magrebelde.
     Hanggang dumating yung araw na nagpalipat lipat kami nang tirahan,nang malaman ito nang lola ko kinuha nila ako,pero hindi ako sumama dahil hindi ko pa sila lubos na kilala o kasundo.Dumating yung time na nakaabot kami sa calamba upang magtrabaho si inay.Ayoko dun kaya nagpasundo ako sa lola ko at doon ako pinatira,pinagaral at inalagaan,peo minsan pumupunta ako sa nanay ko para alagaan ang kapatid ko.
     At makalipas ang ilang taon may nangyaring hindi ko inaasahan ang pagkamatay nang tatay ko,sa kadahilanan na nabaril  siya.Hindi namin alam ang dahilan kung bakit siya binaril at pinatay.Nang mga araw na iyon iyak ako nang iyak,dahil nawalan ako nang ama noong sampung gulang lamang ako.Napakabait niya sa amin kahat nang gusto namin binibigay niya at hindi kame pinagbubuhatan nang kamay.
    Nagdaan pa ang ilang araw nagdisisyon ang lola ko na doon na lang kami patirahin,at nagkasama sama kami pero hindi madali para sa amin iyon,dahil nga sa pagkamatay nang ama ko.Pero may magandang bagay na nangyari nagkasundo ang nanay at lola ko naging masaya ang pamilya namin.Hanggang sa magkaroon kami nang sariling bahay,binubuhay at pinagaral kami nang inay kahit magisa lang siyang bumubuhay sa amin.
   Nagdaan pa ang ilang taon may napansin ako sa nanay ko naging mainitin ang ulo niya sa amin sa aming magkakapatid.Hindi ko alam ang dahilan siguro ganoon talaga pag ikaw lang ang bumubuhay sa mga anak mo.Sinabi din niya na hindi na ulit siya magaasawa,yun din naman ang gusto ko pero minsan hindi maalis sa isip ko ang magkaroon ulit ako nang ama.
   Hanggang makatungtong ako nang high school unang pagpasok ko nahihirapan akong makisalamuha,pero may mga kaibigan pa din ako,sina bhing,rubilyn at si cath ang naging bestfriend ko noong 1st.year high school ako.Hindi ko inaasahan na bumaba ang section ko naging 2c ako,nalungkot ako kasi nahiwalay ako sa kanila.Pero  hindi pa pala mas naging masaya ako sa 2c.Mas madami akong naging kaibigan ko at nakilala ko sina mikiko,lanie at si pamela,nagkaroon kami nang grupo ito ay PAMIKARLANIE.sobrang saya ko dahil nakilala ko sila.


Kami nang espren ko.





  Pagtungtong ko naman nang 3rd.year ayon pa din 3c ang section ko masaya ako kasi kasama ko pa din ang mga bestfriend ko.Sobrang nalungkot kami ni miki kasi dalawa na lang kami nahiwalay kasi sa amin si lanie at pamela,namis namin ang kulitan nang bawat isa.Pero naging masaya pa din kami ni mikiko kahit dalawa na lang kami.


Mga kaibigan ko.


 Heto na naging 4c pa din kami hindi pa din kami naghihiwalay nang bestfriend ko,hanggang naging walo  kami  sina nineth,rich,bel,beth at ailene.madami nga kami pero minsan hindi maiiwasan ang magkatampuhan pero nagkakaayos din naman agad.

                                                          Si miki,melanie at ako.

 Ngayon 4th.year na kami ngayon ko lang nalaman ang kahalagahan nang buhay,ngayon ko nalaman ang kahalagahan nang mga bagay bagay na nakapaligid sa akin,sa pamilya madalas hindi ko na makasundo ang nanay ko lagi kaming nagaaway,matigas daw ang ulo ko pati mga kapatid ko lagi ko din silang nakakaaway.Alam ko may mga pagkakamali din ako kaya nagpapasensya na lang ako sa kanila.
  Natuto din akong akong umibig at magmahal sa txt ko unang nakilala ang first boyfriend ko binigay kasi nang kaklase ko ang number ko sa kanya,matagal bago niya ako napasagot kasi hindi ko pa lubusang kilala at nakikita,mansari namin june.5 nagkita kame at binigyan niya ako nang teddy bear na,natuwa naman ako sa kanya kasi alam kong mahal niya ako.
  Pero hindi ko inaasahan na nanligaw ang matagal ko nang crush,hindi siya tumigil manligaw kahit alam niyang may bf na ako,naguguluhan ako nang sobra kasi parehas ko silang gusto,hanggang malaman nang boyfriend ko na sumasama ako sa crush ko.Nagdisisyon siyang kausapin ako at pinapipili niya ako sa kanilang dalawa,naghiwalay na kami sinabi niya na kung san daw ako masaya dun din siya.Hindi ko alam ang nararamdaman kong lungkot nung mawala siya sa akin.
  Hanggang sa patuloy pa din sa panliligaw yung crush ko at siya naman ang naging boyfriend ko,kaso hindi naman kami nagtagal kasi na'realize ko na mas mahal ko ang ex ko.Nagsorry ako sa kanya at naiintindihan naman niya ako,inamin ko sa ex ko na mahal ko pa siya pero may gf na siya at alam kong masaya na siya.Sinabi niya na mahal pa din niya ako pero walang pagkakataon na maging kami ulit,lagi akong malungkot at umiiyak.Lagi din niya akong sinusumbatan ang hirap at nakakapagod na kaya lumayo na lang ako sa kanya.

                                                           4 CONQUERORS
                                          
  Ayon nagkabalikan kami nang crush ko kasi mahal pa daw niya ako at binigyan ko siya nang chance.Meron kaming hindi napagkaunawaan yun nagbreak ulit kami.Hanggang makalipas ang ilang buwan hindi na muna ako nagkaroon nang boyfriend.Naging M.U kami nang ex ko halos matagal din nangyari yung pagsasama namin,Aminado ako mahal ko pa talaga siya pero nagdisisyon na talaga kaming maghiwalay,mahirap pero kinaya ko para maka'move on.Hinayaan ko siya dahil dun siya masaya,masama loob ko dahil sobra niya akong nasaktan pero wala na akong magagawa kasi wala naman ako sa kanya.
  Basta ngayon kaylangan kong gawin ay makalimot sa kanya para din naman sa akin yun.Sa pagaaral ko itutuon lahat para makatapos ako,naniniwala ako makakaya ko ito.Pagsubok lang ito sa buhay,sa ngayon study muna ako  at focus sa mga kaibigan ko.Nandiyan naman sila para sa akin at hindi nila ako iniiwan,ang gusto ko lang mangyari ay magkaroon ako nang magandang trabaho.
    Ito ang aking talambuhay na ibinabahagi sa inyong mga mambabasa. SALAMAT!!

ANG MAKABULUHANG TALAMBUHAY NI BERNADETTE GARCIA.

     Ako si Bernadette Garcia.Labing limang taong gulang .Ipinanganak ako nung MAY 22,1995 .Bata pa ang mga magulang ko nung mag-asawa sila .Nung bata ako mahilig daw akong umiyak hanggang ngayon pa din naman ee.Maagang naghiwalay ang mga magulang ko .Apat na taon pa lang ako nung maghiwalay sila .Palagi kasi silang nag-aaway .Hindi sila magkasundo .Labing anim na taon pa lang sila nung magsama sila .Hindi tuloy sila naikasal .Simula nung magkahiwalay sila nasa puder na ako nang tatay ko ,siya ang nag-aalaga saming magkapatid .Minsan kapag may oras kaming ihatid sa nanay ko napunta kami don .Nung mga bata kami lagi kami iginagala ng mga tita ko.
  


sa tapat nang Mira Lago kami nagpicture nito :)


bagong gawa ang bahay nila lola
ayun ako yung nasigaw .haha :D




     Nung nag-aaral na ako ng kinder .ang tatay ko ang nag-aasikaso sa akin ngunit hindi niya kami masyadong magabayan kasi nagtatrabaho siya .Inihahabilin niya kami sa lola ko .Madudungis nga daw kami lagi nung bata pa kami wala kasi lagi nag-aalaga sa aming magkapatid .Bute na lang nung Grade 3 na ako ,dumating yung lola ko pero tita ang tawag ko sa kaniya .Nasanay na kasi kami ,siya na ang nag-alaga sa amin hanggang sa nag-asawa ulit ang tatay ko .Nung una napakabait sa amin nang aking step mother yun pala masama ang ugali niya .Nagagalit siya sa amin kapag binibigyan kami ng pera ng tatay ko.




Birthday ng lolo ko :)
ako at ang pnsan at kapatid ko :)
pasko :)
























     Nalaman ko din na nag-asawa ang nanay ko.Nagkaanak sila ng isang lalaki at babae.Magulo talaga ang pamilya namin .Minsan nga naiiyak ako kasi minsan naiisip ko kung ano kaya ang pakiramdam ng magkakasama kayong pamilya .Nung elementary ako gustong-gusto akong isali ng mga teacher ko sa mga beauty contest ngunit hindi naman ako napayag nahihiya kasi ako.Tanda ko pa nung dati nung Grade 5 ako may nanligaw sa akin .Hindi ko alam may gusto pala siya sa akin kaya pala palagi niya akong nililibre at sinasamahan .Wala pa naman akong muwang nung mga panahon na iyon .Nung Grade 6 naman ako ang asar sa akin ng mga klasmeyt ko ay "LANGIT" nakakaasar ! Gawa kasi nung umiihi ako sa loob ng room sa C.R. biglang binuksan nung isa kong klasmeyt yung pinto hindi kasi nakalock yung pinto kaya nabuksan .Nakita nung mga klasmeyt ko tapos pinagtawanan ako pero wala naman silang nakita .Hiyang-hiya ako nung mga oras na iyon .hay naku !Nung naggraduation kami ansaya ko nun kasi mapapalayo na din ako sa mga klasmeyt ko .Sa totoo lang ayoko sa kanila .Napaka arte kasi nila porket may kaya sila sa buhay .






Class picture namin nung Grade 6 . :)



     Unang taon ko nang high school ang dami kong nakilala .Ang saya ko nga nung 1st year high school ako lagi nga lang akong inaasar ,anliit kasi ng boses ko .Ang tawag nga sa akin ng teacher ko "GOLDEN VOICE" .adviser ko siya dati nung 1st year .Nung 1st year ako sumama ako sa science camp ,1st time ko nung umattend sa camping .Hindi kasi ako pinapayagan ,dapat hindi ako sasali don kasi ako lang sa section namin ang sumama .Pinilit lang ako ni ate pauline kaya sumama ako tyaka nakita ko yung crush ko kasama din .Masaya naman kahit papano ,nasilayan ko kasi sita .Sumali ako dati sa drum and lyre band ,majorette ako dati ,nangitim ako dahil don pati sa field demo pero ayus lang masaya naman kasi .

MABI
(mikiko,angelica,bernadette,ivy)


MABI
(mikiko,angelica,bernadette,ivy)


     Nung 2nd year ako nakilala ko ang mga best friend ko ang MABI (Mikiko,Angelica,Bernadette,Ivy) Palagi kami magkakasama kapag magcocomputer .!st time ko din na magkaroon ng boy friend nung second year ,si Jerwin Biig  .Naka 1month din kami .Binigyan niya ako ng singsing pero nawala ni Airese ,hiniram niya kasi .Nagfield trip pa kami .ang saya !madami kaming magkakasama nakakatakot ang mga rides .Lalu na don sa Galactic ,iyak ako .Hindi ko kasi kinaya ,paranga babaliktad ang sikmura ko .Tapos dun sa Gabi ng Lagim  nadaganan ako nung paglabas .Takbuhan kasi sila ng takbuhan kaya nadaganan ako .Tanda ko pa nung lumaban kami sa Florante at Laura ,mang-aawit ako nuon .Lagi kaming gabi umuwi gawa nang todo practice kami .kasabay ko laging umuwi yung crush ko ,tpos nalaman ko may crush din pala siya sa akin napakasaya ko nung nalaman ko yun ,kasi 1st year pa lng ako crush ko na yun hanggang sa niligawan na niya ako .lagi na niya akong hinihintay pagkaaawas ko .sabay lagi kami .March 12, 2009 naging kami .labing pitong buwan din ang itinagal namin .Naging masaya naman ako sa kanya .Hindi ako nagsisisi dahil minahal ko siya .Masakit nung nagbreak kami ,pero siguro hindi talaga kami para sa isa`t-isa .Bata pa naman kami kaya ayos lang iyon ,Madami pa kaming makikilala .


   Third year na ako .Madami akong ginawa mga kalokohan nung mga oras na iyon .Lahat na yata ng katangahan ginawa ko na nung 3rd year peo ayos lang naging masaya naman ako dati .Sa lahat ng year 3rd year lang ang pinakamasaya .Buong taon kong kasama ang mahal ko dati kaya lahat ng aking problema nakakalimutan ko .Nung taong iyon ,naranasan kong masaktan ng sobra .Lahat ng pagmamahal ko ibinigay ko sa kaniya ,pero lahat ng iyon nalagpasan ko dahil kasama ko siya .Nakasali din ako sa ginoo at binibing kalikasan pero hindi nanalo pero ayos lang .hehe :) .1st time kong umattend nang JS Prom .maaya ako noun ,ang boyfriend ko ang 1st at last dance ko .Madami ring nagsayaw sa akin non ,ansaya talaga nang JS Bumaba pa ang seksyon ko kaya iyak ako ng iyak ,hindi ko kasi matanggap.


     Ngayong 4th year ,pinag-igi ko ang aking pag-aaral .Nung 1st Grading wala akong line of 7 sa card ko pero nung 2nd Grading nagkaroon ng isa ,medyo napabayaan ko kasi kaya nagkaganun .Nakasama ako sa deliberation ngayong 3rd Grading pero buti requirements lang ang kailangan .Mas dapat ko pang pag-igihin ang aking pag-aaral para makapasok ako ng college .Nung February 11,2011 nag JS Prom ulit kami ,hawaiian theme ami ,ansaya talaga su hindi kasama ang khulet koh ,haixt !pero ayos lang .nakasama ko naman siya bago mag JS at pagkatapos nang JS .Sana makatapos ko ito at maabot ang aking mga pangarap sa buhay .Masaya ako ngayon kasi kasama ko ang mahal ko ngayon sana hindi siya magsawa sakin .mahal na mahal ko kasi siya .ayokong mawala siya sa buhay ko .Sana tuloy-tuloy na ito .Tumagal pa sana tayo khulet koh :) .Sana naman masaya ka din sakin kahit minsan nag-aaway tayo .Pagpasensyahan muna din ako .Sana mabasa mo ito .




ang aking khulet :)
masaya po ako sayo ..
mahal na mahal po kita :)


eto ang mga katribo ko .haha !!
kasu wala dine si rubilyn ..
hindi tuloy kumpleto .haixt ..
(gretel ,pauline ,cath .bernadette)






4 CONQUEROR`S






yan na ngayon ang itsura ko :)
walang pinagbago ai .haha :p

cR0wN cLOwn

                                                  ♠Ang Talambuhay ni KENNETH .♠


Kenneth Alcantara






Para sa makakabasa nito, ako nga pala si Kenneth Rubia  Alcantara. Ito ang aking “Talambuhay”.
                     Ako ay isinilang noong January 9, 1995, araw ng lunes, 12:15am. Ang aking mga magulang ay sina: Edwin Alcantara at Rebecca Alcantara. Ang aking nag-iisang kapatid ay si John Kevin Alcantara. Ayon sa aking magulang anim na araw pa lamang ay naputol na ang pusod ko, ngunit nang ika-9 na araw ko sa daigdig ay nabutas ito, kaya dinala ako sa ospital upang tahiin ito. Noon namang ako ay isang buwan pa lamang ay dinala ako sa Philippine General Hospital dahil daw sa nagbabara ang aking ugat sa apdo, sa awa ng diyos ay hindi na kinailangan ng operasyon upang ako ay gumaling.
                     Sabi sa akin ng aking ina, noong ako raw ay bata pa ay napaka-iyakin ko. Ayaw ko raw sumama sa ibang tao, kaya hirap na hirap siya sa pagpapalaki sa akin. Noon namang kabataan ko na alam ko na ang aking ginagawa ay napakakulit ko. Mahilig akong maglaro noon, gaya ng isang normal na bata, kaya minsan ay ikinukulong ako ng aking ina sa bahay at hindi pinapalabas. Ngunit minsan ay naisipan kong tumakas upang makapaglaro, kaya ako ay sinundan ng aking ina sa pinaglalaruan ko at hanggang sa kami ay makauwi ay umiiyak ako dahil sa pagpalo niya sa akin. Ngunit hindi ako nadala noon at naulit pa iyon,ngunit hindi na ako masyadong pinapalo at pinagsasabihan na lamang.
                     Pumasok ako ng elementarya sa Soledad Elemenary School. Dito ako nagtapos ng elementarya. Noong ako ay elementary ay wala akong alam kung hindi maglaro at mag-ingay. Hindi ko alam ang salitang pag-aaral noon, noong pumasok ang salitang iyon sa isip ko ay noong ako ay grade 5 na, dahil mataray ang aming guro. Noong grade 1 ako ay napaka-ingay kong bata. Naranasan kong mapatayo sa unahan at malagyan ng tape sa bibig, dahil sa sobrang ingay. Noon namang ako ay grade 2 at grade 3 aylumala pa, lagi akong nakikipag-away sa aking mga kaklase. Ngunit dahil bata pa ako noon pagkatapos naming mag-away, kinabukasan ay bati na ulit kami at sa susunod na araw ay magkaka-away na naman kami. Halos umiyak na ang aming guro dahil sa gulo ng aming klase. Noon namang  grade 4 ay lumala pa. Tuwing may test ay hinuhulaan ko lahat ng sagot. Ngunit hindi naman ako nanggagaya at noon ay napaiyak na namin ang aming guro. Lagi siyang sumisigaw dahil sa sobrang gulo ng aming klase. Nang ako ay maging grade 5, natuto na akong mag-aral kahit papano. Sobrang taray ng aming guro noon.  Tuwing siya ay magpapasaulo dapat ay masaulo mo iyon, dahil kapag hindi mo nasaulo ipapahiya ka niya sa klase. Ngunit nang kauna-unahang beses na nagpasaulo siya ay hindi ako nagsaulo kaya ako ang kauna-unahang estudyante na ipinahiya niya sa klase. Noon namang ako ay grade 6, marunong na akong mag-aral ngunit hindi pa rin kataasan ang aking mga grado. Noon ding ako ay grade 6 nakaramdam ako ng sobrang lungkot, January 23, namatay ang aking lola. Sobrang lungkot ko noon, dahil nang umuwi ako noon ay hindi ko pa alam ang nangyari. Nagpunta ako sa bahay nila noon at doon ko lamang nalaman ang pagkawala niya. Nang nalaman ko iyon ay tumulo ang luha ko at hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at hindi ako nakaimik. Noong una ay hindi ako makatingin sa kabaong, ngunit ng makita ko iyon ay biglang nawala ang aking lungkot dahil siya ay medyo nakangiti sa kanyang itsura. Noong ang aking lola ay ililibing na, kahit ang aking pinsan na sobrang tapang ay humahagulgol sa pag-iyak.


nung lumaban ako ng Mr. and Ms. Campus Sweetheart

Nag-aaral ako ng sekondarya ngayon sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Masasabi kong napakarami kong natutunan sa paaralang ito. Noong ako ay first year, masipag na akong mag-aral. Halos nakikipag sabayan na ako sa mga magagaling sa klase. Noong first year  din ako kauna-unahang nagkaroon ng kasintahan. Sobrang bata ko pa noon kaya hindi ko pa alam noon ang ibig sabihin noon. Ang kauna-unahang kasintahan ko noon ay hindi ko pinapansin kaya naghiwalay agad kami. Noon din ay lumaban kami ng Ibong Adarna at ako ang napiling Juan, noong una ay nanalo kami ngunit ng ikalawa ay natalo kami dahil may nakalimutan akong eksena. Noon din ay hindi na ako nakikipag-away at nag-aaral na ako ng mabuti. Nang ako ay mag-second year, tumaas ang aking seksyon. Medyo napabayaan ko ang grado ko noong second year dahil medyo naadik ako sa “computer games”. Nagkaroon din ako ng girlfriend noon at nagimg seryoso na iyon. Ipinakilala niya ako noon sa mga magulang niya, ngunit naghiwalay din kami pagkaraan ng ilang buwan. Nagkaroon pa ako ng isa pang girl friend noon. Dahil sa kanya , natuto akong mag-inom. Noong kami ay third year na, kami pa rin at lagi ko siyang kasama sa pag-iinom. Dito rin, natutong mag-inom ang iba ko pang mga kaklase. Naranasan ko ng mapalaban sa “campus sweetheart” at sa awa ng Diyos ay nanalo naman ako na “Mr. Photogenic”. Pagkatapos noon ay medyo dumami ang mga nagkagusto sa akin, kaya may nagsabi na rin na malaki na daw ang aking ulo. Noong mga panahong ‘yon, medyo nakabawi na rin ako sa aking mga grado. Naging masaya ang aking third year. Ngunit may hindi ako malilimutang pangyayari noon, nang kami ay mag-open forum sa klase dahil madami ang nagsabi sa akin ng kanilang sama ng loob. Nang ako na ang nagsalita ay halos mapaiyak ako dahil sa kanilang mga sinabi sa akin. Naging masaya din ang aming “Junior Senior Prom”. Madami akong naisayaw noon, pero ang una at huli kong sayaw ay ang aking kasintahan. Nang kami ay mag-fourth year ay noon lang kami maghiwalay ng aking kasintahan sa loob ng labing-pitong buwan.
Ang Barkada.
  Ngayong fourth year ay mas pinagbuti ko pa ang aking pag-aaral, upang kapag ako ay nag-college ay walang maging problema sa aking grado. Mas napadalas din ang aming pag-iinom ngayong fourth year. Masaya ang pakikipag-inuman sa aking mga kaklase at kabarkada. Kung minsan ay inuumaga kami pag-iinom kaya sa bahay nina Patrick kami natutulog. Noong kami ay nag-cheerdance, pagkatapos kami ay nagswimming, sobrang saya noon languyan at inuman.
ang init ng tubig dito.

Nalasing ako noon kaya kahit ayaw ko pang matulog ay nakatulog na ako. Pagkatapos ng mini-olympics ay ang sakit ng mga paa ko, dahil naglaro kami noon ng soccer, ngunit masaya naman iyon dahil nang kami ay maglaban ay umuulan at ang kalaban naming ay ang 4-B. Noong aking kaarawan ay nonood kami ng mga kaklase ko ng palabas sa plaza, dumating noon ang Callalily. Noon ding araw na iyon niligawan ko si Joanna mae Atienza. Noon namang January 13, nag-prop’sman kami sa mardigra at nanonod din kami sa plaza noon, pero noong  medyo gabi na ay nag-inom na lamang kami. Noon ding fiesta na ay nag-inuman ulit kami sa bahay nina Patrick. Naging masaya din ang aming ‘’Junior Senior Prom’’ ngayong fourth year.
Ang  js ng 4-C
Noong una sa tingin ng lahat ng estudyante ay hindi magiging maganda ito dahil ang theme ng JS ay Hawaiian, ngunit nagging mas masaya pa ito sa ordinaryong JS. Ang first dance ko noon ay si Joanna, siya rin ang aking last dance, halos labinlimang kanta ko siya isinayaw, kaya kinabukasan sabi niya sa akin ay masakit ang kanyang paa. Noong “Valentine’s day” ay kauna-unahang beses na nagbigay ako ng bulaklak sa isang babae, si Joanna, at noong ‘’Valentine’s Day’’ ay naging kami ni Joanna. Ngayon ay naghahanap na ako ng papasukan sa kolehiyo, at mas pinagbubuti ko pa ang pag-aaral ngayon upang mkuha ko ang nais kong kurso.
Ito ang aking talambuhay.


↕Unic0 HijA`s╪: ang makulit na pasaway ang talambuhay ni geelein v...

↕Unic0 HijA`s╪: ang makulit na pasaway ang talambuhay ni geelein v...

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni Jovelyn I. Bacani


ang una kong kaarawan
                        Noong ika-25 ng Hulyo taong 1993, ikinasal si Juanita at Danilo Bacani. Noong una pinagpasyahan nila na tumira sa Pangasinan,ngunit dahil sa dayalekto ninais ni Juanita na tumira dito sa Laguna. Nagkaroon sila ng tatlong anak ang panganay ay pinangalanang Jovelyn.Isinilang siya noong ika-22 ng Hulyo taong 1994 Matapos ang tatlong taon, nasundan ito ng batang lalaki na nagngangalang Justine King. Isinilang siya noong ika-30 ng Disyembre taong 1997 Makaraan ang tatlong taon sinundan naman ito ng batang babae.Ipinanganak siya noong ika-14 ng Disyembre at pinangalanan siyang Danica Ann.

                      
nakain ako ng cake at may hawak na tinidor
                Noong kaarawan ko isang taon na ako ipinaghanda ako ng magulang ko. Marami ang pumunta at nasiyahan sila. Marami din ang nagbigay sa akin ng mga regalo tuwang-tuwa naman daw ako noon. Habang nakain ako ng cake, kinuhanan nila ako ng litrato habang maamos ako.


.
Ako at si Jade
                Noong kabataan ko, nakapagbakasyon ako sa Pangasinan.Hindi ako naiinip doon dahil lagi kong kalaro si Jade at Karl.Kababata ko sila parehas.Lagi kami nagpupunta sa lolo namin at binibigyan kami ng makakain.Lagi pa niyang kaming kasama sa pag punta sa bodega para mag imbak nang bigas.Pinasasakay din kami sa baka, umiyak ako noong pinasakay ako sa baka kasi parang matutumba ako tapos hindi ko pa alam kung paano bumaba doon.Nagtawanan nga sila noon at sinabi pa sa akin ng lolo ko "nitan laba labay to unsakay" ang ibig sabihin nito ay "Iyan kasi gustong-gusto sumakay".Simula noon hindi na ako nalapit sa baka sa kalabaw na lang at kambing.


nasa sulok ako ng kubo
                Naalala ko dati pinasakay ako ni lolo doon sa araro habang nag-aararo ang sinasakyan niya na kalabaw.Lagi nga akong natutumba kasi may batong nadadali yung pang-araro.Minsan naman sinasamahan ko ang tiyo ko na magpastol ng kambing.Napagalitan pa nga ako nung nasuwag ako ng kambing sa hita. Sinabi sakin na huwag ko daw galitin ung mga kambing.Wala naman akong ginagwa doon sa kambing kaya pagka talikod ng tiyo ko sinabunutan ko ung kambing pero hindi sa buhok sa sungay ako nakahawak. Araw-araw kaming nag papakain ng manok tuwing madaling araw, inuunahan ko sila sa pag gising upang matawag ko ang mga manok at pakainin ang mga ito.Sa hapon naman nakikipag-agawan ako sa dalawa kong pinsan na mag pakainpakain ng manok.Kami ng mga pinsan ko ay tuwang-tuwa habang nararanasan namin ang mga ganun na pangyayari. lalo na noong nagpagilong-gilong kami sa kanang bahagi ng tinatawag nila na "kulos" ng isda sa kaliwang bahaggi naman ay palakang-tubigan.Kahit napapagalitan na kami tuloy-tuloy pa din kami.natakas kami kapag minsan,tuwing tanghali kami nanghuhuli.


                Ang bahay ng lolo at lola ko ay malapitsa sementeryo,kontina lakad mo na nandiya na ang sementeryo.Ngunit hindi kami natatakot dahil wala namang nag-paparamdam na kung anu-ano man. lagi pa nga ako natutulog sa ilalim ng puno ng mangga na malapit sa sementeryo na ako lang mag-isa pero dun na kami nakikituloy kapag bakasyon sa bahay ng tiyahin ko madami nga dun kababalaghan.Noong tinatawag ako ng mama ko upang kumain ng hapunan may nakita akong taong nakatayo malapit sa may pinto nung malaking bahay. unti-unting nilapitan ko ito, hahawakan ko na sana ngunit nakinig ko ang sigaw ni mama kaya dali-dali akong tumakbo sa baha at kumain.Habang nagsisipilyo kami ng dalawa kong pinsan naikwento ko sa kanila yung pang yayaring iyon-sabi nila sa akin talagang may ganun daw lagi dun sa malaking bahay na iyon. natakot nga ako sa sinabi nilakaya hindi na ako nagpapasama kapag ako ay lalabas ng bahay naikwento din nila sa akin na may manananggal daw na nagpunta doon. lagi daw itong nasa puno ng mabolo tuwing gabi at kinakain daw niyayung nalalaglag na prutas ng mabolo.Ikinuwento din nila sa akin na may tikbalang daw na pagalagala doon,ngunit umalis din daw ito sa barangay nila.Dati habang namamasyal kami sa kulos may nakita kaming bagong-anak na paniki,tatlo iyon napagisipan namin na pagtigi-tigisahan ito.Nagalit sa amin si mama at tiya ko.Sinabi nila sa amin na ibalik namin ito kung saan namin nakuha,ngunit ayaw namin ibinalik ito kung saan namin sila nakuha.

                     Tuwing magbabakasyon ako doon,laging nagkakaroon ako ng kakaibang karanasan ngunit sa tuwing natatapos ang bakasyon,nalulungkot ako dahil magkakahiwa-hiwalay kaming magpipinsa.Kahit malungkot kailangan dahil kailangan naming mag-aral.

                Ngunit kahit ganun, aktibo kami ng dalawa kong pinsan sa pag-aaral. pataasan pa nga kaming tatlo ng grades.Laging nasa huling pwesto si karl,kaya niloloko namen ne Jade si  Karl na mag-aaral pa nang mabuti.Parehas kami ni Jade na nagkakaroon ng medalya kada taon.Simula kinder hanggang grade 6 noong tumungtong ako sa sekundarya naging aktibo ako nung 1st at 2nd year, naging champion ako sa Spelling Bee, ngunit hindi ko nakuha ang sertipiko dahil wala ako nung oraas na iyon tuwing kukuhanin ko sa library nagkakataon namang sarado ito hanggang sa hindi ko na nakuha.Noong tumungtong ako ng 3rd year ipinanglaban ulit ako sa Spelling Bee ngunit sa di-magandang pagkakataon natalo kami pero umabot naman ako sa huling round ng semi-finals.Kahit man nagkaganoon binigyan kami ng dagdag na marka sa card.

                Habang nasa 3rd year ako, naenganyo ako na sumali sa "Citizenship Advancement Training o mas kilala sa tawag na C.A.T. bilang isang volunteer.Hindi madali ang pagiging volunteer dahil madaming ipinagbabawal sa amin.Marami ang nag-quit dahil siguro sa hirap.Kahit ganoon naging masaya naman ang pagiging volunteer ko sumalo pa nga ako sa " Summer Training".Marami akong pinag bago simula ng sumali ako dito lalo na ugali at kilos ko. Sinasanay dito ang katatagan ng emosyon, isipan at katawan.Hanggang sa tuluyan na naging opisyales,umiyak ang ilan dahil hindi nila nakamit ang gusto nila.Ngunit kung hindi sila maari doon marahil sa ibang bagay sila babagay.Hanggang sa nagkaroon na kami ng volunteer lalong gumulo pero lalo ding sumaya.At ngayon na kami na ay aalis dito,ibibigay na namin sa kanila ang responsibilidad at obligasyon na dati ay nasa amin.
 
                Minsan sumasagi sa isip ko kung ano ang naghihintay at mangyayari sa akin sa pag kokolehiyo ko. Kahit ganoon man haharapin ko ito ng buong tapang.