![]() |
ang una kong kaarawan |
![]() |
nakain ako ng cake at may hawak na tinidor |
.
![]() |
Ako at si Jade |
![]() |
nasa sulok ako ng kubo |
Ang bahay ng lolo at lola ko ay malapitsa sementeryo,kontina lakad mo na nandiya na ang sementeryo.Ngunit hindi kami natatakot dahil wala namang nag-paparamdam na kung anu-ano man. lagi pa nga ako natutulog sa ilalim ng puno ng mangga na malapit sa sementeryo na ako lang mag-isa pero dun na kami nakikituloy kapag bakasyon sa bahay ng tiyahin ko madami nga dun kababalaghan.Noong tinatawag ako ng mama ko upang kumain ng hapunan may nakita akong taong nakatayo malapit sa may pinto nung malaking bahay. unti-unting nilapitan ko ito, hahawakan ko na sana ngunit nakinig ko ang sigaw ni mama kaya dali-dali akong tumakbo sa baha at kumain.Habang nagsisipilyo kami ng dalawa kong pinsan naikwento ko sa kanila yung pang yayaring iyon-sabi nila sa akin talagang may ganun daw lagi dun sa malaking bahay na iyon. natakot nga ako sa sinabi nilakaya hindi na ako nagpapasama kapag ako ay lalabas ng bahay naikwento din nila sa akin na may manananggal daw na nagpunta doon. lagi daw itong nasa puno ng mabolo tuwing gabi at kinakain daw niyayung nalalaglag na prutas ng mabolo.Ikinuwento din nila sa akin na may tikbalang daw na pagalagala doon,ngunit umalis din daw ito sa barangay nila.Dati habang namamasyal kami sa kulos may nakita kaming bagong-anak na paniki,tatlo iyon napagisipan namin na pagtigi-tigisahan ito.Nagalit sa amin si mama at tiya ko.Sinabi nila sa amin na ibalik namin ito kung saan namin nakuha,ngunit ayaw namin ibinalik ito kung saan namin sila nakuha.
Tuwing magbabakasyon ako doon,laging nagkakaroon ako ng kakaibang karanasan ngunit sa tuwing natatapos ang bakasyon,nalulungkot ako dahil magkakahiwa-hiwalay kaming magpipinsa.Kahit malungkot kailangan dahil kailangan naming mag-aral.
Ngunit kahit ganun, aktibo kami ng dalawa kong pinsan sa pag-aaral. pataasan pa nga kaming tatlo ng grades.Laging nasa huling pwesto si karl,kaya niloloko namen ne Jade si Karl na mag-aaral pa nang mabuti.Parehas kami ni Jade na nagkakaroon ng medalya kada taon.Simula kinder hanggang grade 6 noong tumungtong ako sa sekundarya naging aktibo ako nung 1st at 2nd year, naging champion ako sa Spelling Bee, ngunit hindi ko nakuha ang sertipiko dahil wala ako nung oraas na iyon tuwing kukuhanin ko sa library nagkakataon namang sarado ito hanggang sa hindi ko na nakuha.Noong tumungtong ako ng 3rd year ipinanglaban ulit ako sa Spelling Bee ngunit sa di-magandang pagkakataon natalo kami pero umabot naman ako sa huling round ng semi-finals.Kahit man nagkaganoon binigyan kami ng dagdag na marka sa card.
Habang nasa 3rd year ako, naenganyo ako na sumali sa "Citizenship Advancement Training o mas kilala sa tawag na C.A.T. bilang isang volunteer.Hindi madali ang pagiging volunteer dahil madaming ipinagbabawal sa amin.Marami ang nag-quit dahil siguro sa hirap.Kahit ganoon naging masaya naman ang pagiging volunteer ko sumalo pa nga ako sa " Summer Training".Marami akong pinag bago simula ng sumali ako dito lalo na ugali at kilos ko. Sinasanay dito ang katatagan ng emosyon, isipan at katawan.Hanggang sa tuluyan na naging opisyales,umiyak ang ilan dahil hindi nila nakamit ang gusto nila.Ngunit kung hindi sila maari doon marahil sa ibang bagay sila babagay.Hanggang sa nagkaroon na kami ng volunteer lalong gumulo pero lalo ding sumaya.At ngayon na kami na ay aalis dito,ibibigay na namin sa kanila ang responsibilidad at obligasyon na dati ay nasa amin.
Minsan sumasagi sa isip ko kung ano ang naghihintay at mangyayari sa akin sa pag kokolehiyo ko. Kahit ganoon man haharapin ko ito ng buong tapang.
No comments:
Post a Comment